Wednesday, July 18, 2007

Wanted: Pambansang Bayani ng Pilipinas

Little acts of heroism in our time is often ridiculed as outmoded. Often we assume we are too young or too old to become heroes
.


Profound 'di ba? This is a quotation I have read six years ago sa aming paper. Medyo matagal na rin yun pero hindi pa rin mapagkit sa aking isipan hanggang ngayon. Naaalala ko 'to sa tuwing nakikita ko ang mga pagpupugay at pagbibigay galang ng ating mga Presidente tuwing araw ng mga bayani. Nakakalungkot isipin na parang wala nang halaga ang mga okasyong ito para sa isang ordinaryong Pilipino. Oo nga nman di ba? How can you think of these celebrations kung wala ka ngang pagkain na mailagay sa hapag-kainan mo, walang damit, hindi makapag-aral at walang trabaho. Mataas na ang presyo ng mga bilihin ngayon. Wala na yatang libre. There's no such thing as a free lunch. Lahat may kaakibat na presyo.

Iisipin mo pa ba si Rizal o si Bonifacio na baka magtampo kasi hindi mo naalala ang kaarawan o kamatayan nila? Syempre hindi. Siguro maintindihan ng ating mga bayani kung bakit sa bawat taong pagbibigay pugay, ilan sa mga mamamayang Pilipino ay hindi makaalala sa kanila, abala sa paghahanap buhay para may maipakain at maitaguyod ang kinabukasan ng sariling pamilya. Wala namang masama dun eh. We are living in a society which is family-oriented. Pero minsan, tuluyan na nga talaga tayong nakalimot sa mga bagay na may koneksyon sa ating nakaraan. Sabi pa ng bestpren ko, nagka-Alzheimer's disease na yata ang ilan sa atin. Gayunpaman, sabihin man ng ibang tao na walang kwenta pang pag-usapan ang mga nakarran, na wag na natin pang buhayin ang mga patay, let them rest 'ika nga. Baka kasi tuluyan nang bumangon si Joe at Bonnie nito pag nagkataon. Naniniwala pa rin akong marami tayong makukuhang mahahalagang aral sa ating kasaysayan.

Sino si Rizal? Sino si Bonifacio? May katuturan pa ba ang mga taong ito para sa isang karaniwang Pilipino? Ni hindi nga alam ng ilan sa atin kung sino nga ba talaga si Bonifacio at Rizal. Ang masaklap pa nito, lagi nating inihahambing ang dalawa. Uso pa ba sila? Tama na! Sobra na! Ito ang sigaw ng utak mo. Isipin mo na lang ha? Mula grade one yata hanggang kolehiyo magkasama kayo nina Rizal at Bonifacio sa paaralan. Sukang-suka ka na sa kwento ng buhay nila. Tapos si Maam, ang lupit!!! Walang awa kung gumawa ng exam, dapat i-memorize mo lahat, kulang na lang yata pati kulay ng paboritong brief ni Rizal itatanong pa sayo. Tuloy nung graduation, naipangako mo sa iyong sarili na putulin na ang ugnayan mo sa kanilang dalawa. Tama na yung minsang nasaktan ka. Buong gabi mong tinutukan yung RA 1425, tapos itlog lang pala yung magiging score mo sa exam. Masakit di ba? Ngunit ngayon, pagkalipas ng maraming taon, heto ka't nagbabasa tungkol sa kanila. Ang buhay nga naman ano?

Sino ba si Rizal? Sino ba si Bonifacio? Bayani ba kamo? Sinong bayani ha? Bayani Agbayani? Bayani Fernando? Fernando Poe? Aaaahhhh!!! Hindi mo na maalala ano? Sige, tumingin ka sa iyong paligid. Nakikita mo ba ang lalakeng nakasuot ng camisa de chino, may dalang itak na animo'y laging handa para makipaglaban? "Sugod mga kapatid!" Mga katagang hindi mo malilimutan habang ika'y nakatingin sa bantayog ni Ka Andres. Ito ang ating pangkaraniwang paglalarawan sa kanya.Stereotype image. Ngunit teka muna, nausubukan mo na bang itanong sa iyong titser noon na kung pagbibigyan ng pagkakataon, ano kaya ang gustong sandata ni Bonifacio, itak ba o baril? Ang walang kamatayang itak laban sa baril.... HIndi ka si Pilosopo Tasyo ngunit marahil alam mo ang sagot dito.


Pag-isipan mong mabuti, paano kung isang araw sa iyong paglalakad nakita mo si Bonifacio, ang tangan niya'y baril at hindi itak, makisig sa suot na barong tagalog at nakapantalon, suot ay sapatos? Tingnan mo ang monumentong ginawa ni Guillermo Tolentino, ang taong naglilok at humubog kay Oble, naiiba hindi ba? Makisig sa suot na barong tagalog, sa kaliwang kamay ay isang revolver at sa kanan nman ay isang itak. Hindi ko nga lang alam kung alin sa Mausser at Remington ang pipiliin niya. Marahil marami pa tayong hindi alam sa buhay ng ating mga bayani. Masyadong mataas ang tingin natin sa kanila, na talaga namang karapat-dapat ngunit wag sana nating kalimutan na sila'y tao rin. May mga pagkakataong mainit ang ulo, kumakain ng tuyo at sardinas( isa sa mga paborito ni Rizal), marunong tumawa, nagkakaroon ng utang, naglalasing, nagmamahal at nasasawi rin sa pag-ibig. Mga karaniwang tao ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang mga pagkukulang, pagkakamali at kapintasan, natutong bumangon at nakita ang paghihirap ng bayan.

Ngayon, bilang isang Pilipino sana maisip natin na sa kabila ng pagiging karaniwang tao, tayo ay may kakayahan na maging bayani sa ating munting paraan.

No comments:

People Who Are Violent to Animals ... Rarely Stop There